Gumamit ng Lipat Bahay Service Mula sa Truck Rental App

Gumamit ng Lipat Bahay Service Mula sa Truck Rental App

Ang pag gamit ng truck rental app ay isa sa pinakamadaling paraan para makakuha ng sasakayan na pwedeng gamitin para sa lipat bahay. Dahil parte na ng ating buhay ang pag gamit ng internet at smartphones, mas madali naa-access ng tao ang applications kagaya ng truck rental app. Hindi maitatanggi na matrabaho ang pag asikaso ng lipat bahay lalo na kung marami ang iyong gamit. Kaya naman ang paggamit ng lipat bahay service mula sa truck rental app kagaya ng Transportify ang maaaring solusyon mo dyaan.

ArrayINSTANT QUOTEArrayLive Chat 24/7

Ano ang Lipat Bahay Service ng Transportify?

Sa makabagong panahon ngayon, marami na ang pwedeng gawin para mapabilis at mapadali ng husto ang iyong paglilipat bahay. Ang lipat bahay service ng Transportify ay kayang mag bigay ng same day delivery sa Luzon, Cebu at Davao sa pamamagitan lamang ng truck rental app na maaaring mong ma-download sa Google Playstore o Apple App Store. Mayroon rin web application na pwede mong gamitin, depende sa nais mo.

Kagaya ng ibang lipat bahay service, maaari mong i-customize ang service na iyong kukunin depende sa pangagailanag at budget mo. Kung gusto mo ng extra helper para tumulong sa pagbubuhat, maaari kang magdagdag ng hanggang dalawang extra helpers.

MAAARI KAMING MAKATULONG SA:

  • Door to door pick up at drop off
  • Mag-load at mag-unload ng kagamitan para sa bawat lokasyon
  • Maayos at ligtas na delivery
  • GPS tracking mula simula hanggang matapos ang booking

HINDI PARTE NG SERBISYO ANG:

  • Magtipon at mag-empake ng iyong mga gamit
  • Magbigay ng mga kahon at anumang packaging

Flexible Vehicle Options

Maraming sasakyan ang Transportify na pwede mong pagpilian. Kung kaunti lamang ang iyong ililipat at sa tingin mo na ito ay kakasya sa isang sedan o MPV, maaari kang mag book sa truck rental app ng Economy. Kung ang ililipat mo naman ay lamesa at mga upuan na hindi gaanong kalakihan, maaring kang mag book ng L300/Van. Ang pinakamalaking maaring mong magamit sa Transportify ay ten wheeler wing vans na kaya mag transport ng hanggang 25 tons. Para sa kumpletong listahan ng sasakyan ng Transportify, i-check ang table sa baba:

Vehicle TypeCargo DimensionCapacity
Vehicle TypeCargo DimensionCapacity
IsEconomy (Sedan/Hatchback)
L: 3.5 ft x W: 2 ft x H: 2.5 ft

with extra space (SUV/MPV)
L: 5 ft x W: 3.2 ft x H: 2.8 ft
200 kg

300 kg
IsL300/Van

L: 8 ft x W: 4 ft x H: 4 ft

1000 kg

4W Closed VanClosed Van (4W)


L: 10 ft x W: 6 ft x H: 6 ft

with extra space (6W)

L: 14 ft x W: 6 ft x H: 6 ft

2000 kg

2000 kg
6w Fwd TruckL: 18 ft x W: 6 ft x H: 7 ft7000 kg
Vehicle 10 Wheeler Wing Van Icon10w Wing VanL: 32 ft x W: 7.8 ft x H: 7.8 ft15000 kg
Pickup Truck


L: 10 ft x W: 6 ft x H: Open

with extra space
L: 14 ft x W: 6 ft x H: Open

2000 kg

2000 kg
Long Pickup TruckL: 18 ft x W: 6 ft x H: Open7000 kg
Mini Dump
Mini Dump Truck
L: 10 ft x W: 6 ft x H: Open3500 kg
reefer truck with decalReefer TruckL: 14 ft x W: 6 ft x H: 6 ft2000 kg

Free Service Inclusions

Kasama na sa iyong babayaran ang driver, gasolina, pagkarga at pagbaba ng gamit sa loob ng labinlimang metro mula sa sasakyan, isang oras na waiting time at insurance. Paalala lamang na maaaring mag iba ang standard service na ito, depende sa sasakyan na iyong kukunin.

Sinisuguro ng Transportify sa pamamagitan ng free service inclusions na mga ito na sulit ang iyong ibabayad para sa lipat bahay service. Maliban dito, may mga app features rin sa truck rental app na maari mong gamitin ng libre kagaya ng: route optimization, chat with driver, at GPS tracking. Magagamit mo ang route optimization kung mayroon tatlo o higit pang delivery destination ang iyong booking. Iaayos ng feature na ito ang pagkakasunod sunod ng delivery para mas umikli ang ruta at mas makatipid. Magiging kapaki pakinabang naman ang GPS tracking para ikaw ay updated sa pag dating ng driver at para makapag handa ng husto bago man ang pagdating ng driver at ng iyong mga gamit.

SEE ALSO:

Tips Para sa Pagkakaroon ng Maayos na Lipat Bahay

Maliban sa gulo at pagaayos tuwing maglilipat ng bahay, andyan rin ang pagkakaroon ng traffic at masamang panahon na nagiging dahilan minsan kung bakit mas nagiging mas mahirap ang paglilipat. Narito ang ilan sa mga tips na dapat mong gawin para ma plano ng maayos ang iyong lipat bahay:

1Maghanda nang Maaga

May mga pagkakataon na nagkakaroon ng biglaan pagbabago sa ating mga plano, pero dapat itong iwasan kung ikaw ay maglilipat ng bahay. Maraming oras ang kakailanganin mong gugulin para makapagimpake at makapagbalot ng mga gamit kaya mas maigi kung magagawa mo ito ng mas maaga – para maiwasan ang pagmamadali. Dahil kung minsan, sa ating pagmamadali ay hindi maiwasan na makaiwan tayo ng mga importanteng gamit.

Para naman sa lipat bahay service na iyong kukunin, mas maganda din kung makakahanap ka na agad kahit ilang araw o linggo pa bago ang iyong pormal na paglipat. Kung ikaw ay nagttrabaho at mas kaunti ang oras para sa paghahanda para sa iyong lipat bahay, gumamit ng truck rental app para mapabilis at mas maging madali ang paghahanap ng sasakyan na iyong gagamitin sa lipat bahay service.

2Maging Organisado

Panigurado na maraming klase ng gamit ang kakailanganin mong ilipat. Ilan sa mga ito ay mga muwebles, gamit sa kusina, damit, at kung ano pa. Kaya naman importante na maayos mo ito ayon sa kanilang mga klase at gamit para maiwasan ang pagkawala at para mas madali mahanap ito kung ikaw ay magaayos na sa bagong bahay na iyong lilipatan.

Maliban sa pag organisa, dapat ay maayos rin ang pagkakabalot ng iyong kagamitan dahil ang mga ito ay ibbyahe ng lipat bahay service. Para mas maging ligtas at maiwasan na ito ay mabasag o masira, magiging magandang paghahanda kung babalutin mo ito ng maayos.

3Iplano ng Tama Ang Oras at Petsa

Hindi mahirap ang pag gawa ng booking sa mga truck rental app kagaya ng Transportify. Nakasaad rito agad ang mga oras at petsa na pagpipilian. Bilang customer ay dapat mapili mo ang tamang oras at petsa na akma sa iyong schedule para maging mas maayos kalabasan ng iyong lipat bahay. Maliban sa iyong schedule, dapat mo rin
isaalang-alang ang pagkakaroon ng traffic sa mga lugar na daanan ng sasakyan. Kung magiging madali ang pagbyahe ng mga gamit, mas maaga itong makakarating sa parurunonan at mas maaga karin makakapag ayos sa iyong bagong bahay.

4Piliin ang Tamang Logistics Provider

Baliwala ang lahat ng paghahanda kung ang mukukuha mong lipat bahay service ay hindi maahasan. Ilan sa kataingan ng maasahang logistics provider ang pagkakaroon ng maraming sasakyan na pwede mong pagpilian, kung ito ay madali ma-contact sa panahon na iyong kailangan, transparent na pagpepresyo at hindi sumisingil ng hidden charges, may mga propesyonal na driver na handa kang tulungan at kung maganda ang review nito sa internet.

Kung ikaw ay walang personal na sasakyan na gagamitin para sa paglilipat ng bahay, isa itong tip na ito sa pinakaimportante. Importante na makahanap ka ng logistics provider na magpapahalaga sa mga gamit mo kagaya ng pagpapahalaga mo rito. Hindi rin maiiwasan ang mga katanungan kaya naman dapat ang lipat bahay service na iyong makukuha ay yung madaling matawagan o makausap.

orDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Anong oras pwedeng mag book para sa lipat bahay service ng Transportify?

🚚 24/7 bukas ang Transportify para tumanggap ng bookings mula sa users. Kahit ang booking mo man ay gabi, madaling araw o holiday. Kung kailangan mo ng sasakyan sa loob ng isa o dalawang oras, maaari kang mag book gamit ang immediate booking para ma-match ang iyong booking sa pinakamalapit na driver. Kung gusto mo naman mag book araw o linggo bago ang araw ng iyong lipat, maaari kang mag advance booking hanggang dalawang linggo gamit ang truck rental app. 

Pwede ko ba i-cancel ang booking kung sakali na may mabago sa aking plano para sa lipat bahay?

🚚 Pwede. Kagaya ng pag gawa ng booking sa app, maaari mo rin i-cancel ito gamit ang app. Paalala lamang na hindi mo na maaaring ma-cancel ang booking  gamit ang app sa oras na dumating ang driver sa iyong lugar. Kung sakali man na ito ay mangyari, mag chat o tumawag lamang sa 24/7 Live Support ng Transportify. 

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More