Paghatid Ng Cargo Sa Parehong Araw Gamit ang Express Delivery Service

paghatid-ng-cargo-sa-parehong-araw-gamit-ang-express-delivery-og

Noong araw, ang mga tao ay kailangang dalhin ang kanilang mga package sa kani-kanilang local delivery service centers at maghintay ng matagal na oras o ilang araw para ma-deliver ang ito. Nuon kailangan mong dalhin ang mga mabibigat at malalaki na packge o kargo mula sa bahay hanggang courier center, ang iba naman ay may mga kanya kanyang kotse para hakutin ang mga package nila at yung iba ay kailangan magpakahirap sa pagdadala ng package mula bahay hanggang sakayan. Ito ay dahil hindi pa uso ang mga same-day delivery service sa Pilipinas.

ArrayINSTANT QUOTEArrayLive Chat 24/7

Paano Ginagawa Ng Transportify Ang Express Delivery?

Sa kabutihang palad, lahat ay nagbago na ayon sa nararapat. Ang mga makalumang problema ay binigyan ng makabagong solusyon, at ang mga lumang sistema ay nagkaron ng kani-kanilang upgrade. At para sa ikagiginhawa ng delivery system ng Pilipinas, dumating ang express delivery service app ng Transportify na nagpapadali sa trucking at delivery. Sundin lamang ang booking steps, at ang Transportify na ang bahala sa lahat.

Hindi kana muling magdadala ng mga package sa courier service centers. Maaring kunin ng Transportify ang iyong mga kargo door to door.

Hindi kana muling maghihintay sa pila ng ilang oras. Maaaring mag-book ng isang delivery vehicle sa loob lamang ng ilang minuto gamit ang Transportify web o mobile app.

Vehicle TypeDimensions/
Weight Limits
Base Price
(Metro Manila)
Base Price
(Outside Metro Manila)
Base Price
(Visayas/Mindanao)
Wing VanWing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg
7500 PHP6500 PHP6500 PHP
6w Fwd Truck18 x 6 x 7 ft
7000kg
4850 PHP4850 PHP4850 PHP
Closed Van10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg
1800 PHP1450 PHP1450 PHP
Open Truck10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg
2300 PHP1950 PHPN/A
Mini Dump Truck10 x 6 ft x open
2000kg
1500 PHP1200 PHPN/A
L300/Van8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg
430 PHP330 PHP310 PHP
Small Pickup5 x 5 ft x open
1000kg
310 PHP250 PHP220 PHP
Light Van5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg
250 PHP192 PHP225 PHP
MPV/SUV5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg
160 PHP130 PHP140 PHP
Sedan3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg
140 PHP110 PHP120 PHP

Hindi ka narin mag-aalala kung nasaan ang iyong package at magtataka kung bakit hindi pa ito dumarating. Ang Transportify ay may real-time GPS tracking feature para ma-track mo ang iyong package at magbibigay pa ito ng abiso kung nakarating na sa destinasyon ang kargo mo.

Hindi ka na magbibilang ng araw pagkatapos mong ipadala ang iyong package. Ang Transportify ay isang same-day express delivery service provider sa Pilipinas.

Noon, dapat puno ang mga delivery vans at trucks bago sila magsimulang mag-deliver. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga maliit na package ay natatagalan bago makarating sa kanilang drop-off o destinasyon. Dahil dito, sinubukang ibahin ng Transportify ang paraan ng delivery at ginawa itong mas madali at mabilis.

Sa halip na mag aksaya ng oras ang mga sasakyan sa kanikanilang garahe, ang iba ay lumilibot sa Mega Manila, Pampanga, Cebu, Panay, Negros, at Davao upang mag-deliver at magpick-up ng mga package 24/7 habang sila’y naghihintay ng panibagong booking transactions. Ito ay mahusay na paraan upang magamit ang oras sa produtikbong paraan. Dahil dito, nagbibigay daan ang Transportify na ma-book ng customer ang mga malalapit na driver para sa door to door delivery service.

Paano Makakatulong Sa Iyong Business Ang Transportify?

Nakalimot ka na ba ng mga dokumento sa bahay, pero walang kasama mo sa bahay ang pwedeng mag dala nito sayo? Hindi mo na kailangang mag-panic. Ang Transportify ay mayroon express delivery service na kayang i-track at i-deliver ang iyong mga naiwan gamit.

Maari mong ipayo sa iyong kasambahay na gamitin ang Transportify para i-deliver ang mga dokument papunta sa inyong opisina nang mabilis. Ang Transportify ay isang app-based same-day express delivery service, na kayang magpadala ng delivery vehicle kagaya ng sedan at L300 sa pick-up location sa loob ng 30 minuto. Maaaring mapadali ang buhay mo sa paggamit ng Transportify, dahil ang mga nakalimutan mong dokumento ay siguradong darating sayo ng mabilis at ligtas.

Ang urgent at express deliveries ay hindi lang pang personal. Nakakatulong rin ang Transportify sa ibang mga negosyo na mapadali ang kanilang mga deliveries.

Hindi kana maghihintay

Karaniwan, kaylangan ng mga customer maghintay ng ilang araw bago nila magamit ang bagong biling muwebles o appliance dahil wala silang sasakyan o para madala ang biniling item. Sila’y mag-aantay na maihatid nang pinagbilhan ang kanilang muwebles o appliance sa kanilang mga bahay, at tinuturing na “express delivery service” na ito kapag dumating ito sa loob ng linggo. Mas mapapatagal pa ito kung magkakaron ng hindi inaasahang pangyayari na maaaring ika-delay ng delivery service.

Dati iyon. Ngayon, mayroon nang mobile app kagaya ng Transportify na magagamit ng mga buyer upang makita kung mayroong malapit na sasakyan na kayang kunin ang kanilang biniling item mula sa pinagbilhan at paputnang sa kanilang bahay. Sa halip na maghintay ng ilang araw para dumating ang iyong muwebles o appliance, matutulungan ka ng Transportify na mauwi agad ang iyong washing machine o LED TV mula sa pinagbilhan. Express delivery service talaga!

SEE ALSO:

Pinaka-innovative na express same day delivery service sa Pilipinas

Maasahan, abot-kaya at hight sa lahat, mabilis. Ang Transportify ay may sapat na kakayahan na mag-adapt sa pangangailangan ng isang fast-paced modern society. Dati ang salitang “express” ay nakaugnay ay ginagamit para ilarawan ang mga serbisyo na may pick up sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw. Ngayon, di hamak na mas bumilis ang ibig sabihin ng express dahil may may kakayanan na ang industriya ng logistics mag padala ng sasakayan sa mga bahay o pick up sa loob lamang ng oras.

Pagbubukas ng mga pagkakataon para sa mga SME

Imposibleng magtagal ang negosyo sa isang competitve market ng walang katulong na maabilidad na partner.  Dito sa Transportify, tinutulungan namin ang mga negsoyo na maabot ang kanilang buong potensyal. Mahihirapan ang mga Small to Medium-sized Enterprises (SMEs) sa industriyang napili nila kung sila’y may limitadong budget at kaunting staff. Ang pag-outsource ng business logistics ay isang kasanayan na nagbibigay-daan sa Transportify para matulungan ang mga negosyo na ito sa pamamagitan ng pagbawas sa kanilang mga gastos sa warehousing, manpower, at truck rental gamit ang aming express delivery services.

Maasahan Kahit Saan

Ang aming express delivery service ay maraming pwedeng paggamitan. Mula sa lipat-bahay, emergency pick-ups at deliveries para sa trabaho at eskwela, hanggang fast moving consumer goods (FMCG) delivery.

Ang pag-aayos ng isang event ay napatunayang komplikado sa lahat ng aspeto. Mula sa maliliit na okasyon tulad ng birthdays at debut hanggang sa mga malalaking pagdiriwang tulad ng weddings at concerts, tiyak na kakailanganin nito ang delivery services na abot-kaya para sa pagpapadala ng cake o regalo. Maaring i-book ang aming services dalawang linggo bago ang okasyon.

Para sa mga emergencies, paniguradong mahihirapan ka na i-manage ang oras at iyong human resources. Gamit ang aming same-day delivery service, tiyak na magiging maayos ang ingress at egress sa mismong araw na iyon dahil darating ang mga kailangan mong kagamitan sa tamang oras. Walang okasyon o kaganapan ang masyadong magarbo, at walang package ang masyadong maliit para hindi ito ma-handle.

Higit pa sa 24/7 express delivery service

Ang Transportify ay kilala bilang “Uber” ng same-day delivery service dito sa Pilipinas, ngunit higit pa ito. Bukod sa dedikadong customer service at unloading and loading services para sa mga mabibigat na kargo,  ang Transportify app ay mayroon din mga features tulad ng track and trace, route optimization, at contactless documentation para makatulong sa pagpapadali at pagpapabilis ng bawat delivery.

orDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Paano nakakatulong ang express delivery service sa mga negosyo?

🚗 Halos lahat ng customers ngayon ay gusto ng mabilis at madaling
transaksyon. Dahil sa pag kakaroon ng smart phones, web at mobile application, mas napapadali nito ang ang kuha ng serbisyo online. Isa ang express delivery sa klase ng serbisyo na pwedeng pwedeng makuha ng  mga customer ngayon online. Kaya  naman dapat sumabay ang mga negosyo sa usong ito para hindi sila mapagiwanan at mapanatili ang pag tangkilik ng kanilang mamimili sa kanila.

Anu-anong app feature ang pwede gamitin ng negosyo para mas mapadali ang delivery gamit ang Transportify?

🚗 Ang mobile at web application ng Transportify ay maraming in-app feature na siguradong makakatulong sa mga negosyo kagaya ng real-time GPS, driver in-app chat, route optimozation, at contactless documentation. Maliban sa express delivery ng kargo na ma-dedeliver sa parehong araw, makakatulong din ang mga feature na to para mas maging magaan at madali ang proseso ng booking.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More