Patok na Online Negosyo at Padala Service sa Pinas (2021)

Patok na Online Negosyo at Padala Service sa Pinas

Mahigit isang taon na tayo sa pandemya. Karamihan sa atin ay matagal nang hindi nakakalabas dahil sa abiso ng gobyerno na manatili sa bahay para sa ating kalusugan. Hindi lamang sakit ang dala ng COVID-19, sapagkat malaki din ang epekto nito sa ekonomiya. Maraming nawalan ng hanapbuhay dala ng lockdown at community quarantine. Nagkaroon din ng epekto ito sa logistics at trucking sa Pilipinas. Sa kabila ng mga paghihirap ng ito, nakita natin ang tiyaga at sigasig ng mga Pilipino sa harap ng pagsubok.

Marami ang nauso sa loob ng isang taon na may Covid-19: nagsimula ito sa uri ng pagtitimpla ng kape, pag-usbong ng mga home and indoor garden, at pagluluto ng iba’t ibang klase ng pagkain. Maraming rin tayong kababayan na kinuha ang pagkakataon na ito para pasukin ang pagnenegosyo sa Pinas.

ArrayINSTANT QUOTEArrayLive Chat 24/7

Dahil sa iba’t ibang klase ng teknolohiya, napadali na ang pagsisimula ng sariling patok na negosyo nang hindi kinakailangan lumabas ng bahay. Malaki ang paglago ng e-commerce ngayong panahon ng pandemya. Nagkaroon ng iba’t ibang plataporma na maaaring gamitin para makapagbenta ng sariling online negosyo. Mayroon mga e-commerce sites katulad ng Shopee at Lazada. Marami din ang gumagamit ng social media katulad ng Facebook at Instagram para mapalawak ang pagbebentahan. Hindi mahirap pasukin ito sapagkat kinakailangan lang ng smartphone at internet connection para makapagsimula ng patok na negosyo sa Pinas.

Ang maganda sa pagpasok sa online negosyo sa Pinas, hindi ka nililimitahan sa lugar ng pagbebentahan. Kahit taga-Baguio ka, kayang-kaya umabot ng produkto mo sa Maynila. Paano? Mayroong iba’t ibang padala service na pwedeng gamitin para sa iyong mapipiling patok na negosyo tulad ng Transportify. Isa itong app-based padala service na maaring makapagpadala ng kargamento sa kahit anong pook sa Luzon at Cebu.  Maaring tignan ang aming mga sasakyan dito:

Vehicle TypeCargo DimensionCapacity
Vehicle TypeCargo DimensionCapacity
IsEconomy (Sedan/Hatchback)
L: 3.5 ft x W: 2 ft x H: 2.5 ft

with extra space (SUV/MPV)
L: 5 ft x W: 3.2 ft x H: 2.8 ft
200 kg

300 kg
IsL300/Van

L: 8 ft x W: 4 ft x H: 4 ft

1000 kg

4W Closed VanClosed Van (4W)


L: 10 ft x W: 6 ft x H: 6 ft

with extra space (6W)

L: 14 ft x W: 6 ft x H: 6 ft

2000 kg

2000 kg
6w Fwd TruckL: 18 ft x W: 6 ft x H: 7 ft7000 kg
Vehicle 10 Wheeler Wing Van Icon10w Wing VanL: 32 ft x W: 7.8 ft x H: 7.8 ft15000 kg
Pickup Truck


L: 10 ft x W: 6 ft x H: Open

with extra space
L: 14 ft x W: 6 ft x H: Open

2000 kg

2000 kg
Long Pickup TruckL: 18 ft x W: 6 ft x H: Open7000 kg
Mini Dump
Mini Dump Truck
L: 10 ft x W: 6 ft x H: Open3500 kg
reefer truck with decalReefer TruckL: 14 ft x W: 6 ft x H: 6 ft2000 kg

Ano ang mga Patok na Negosyo sa Pinas?

Ano nga ba ang mga patok na online negosyo sa Pinas na maaaring pasukin? Marami tayong nakitang sumusulpot na small-medium enterprises (SME) ngayong pandemya dahil madali kumita sa mga ganitong patok na negosyo. Alamin kung anu-anong mga negosyo sa Pinas ang maaaring pasukin.

Pagkain

Ang pagbebenta ng pagkain ay isang patok na negosyo sa mga panahon na ito. Dahil sa abiso ng gobyerno na manatili sa bahay, marami sa ating kababayan ang namimiss ang pagkain sa labas. Bahagi ng ating kultura ang pagkain sa mga mall at restawran kasama ang ating pamilya o mga kaibigan. Isa ito sa talagang hinahanap ng mga Pilipino sa mga panahong ito. Bilang kapalit, umusbong ang pagbebenta ng pagkain sa internet, lalong-lalo na sa social media.

Maaaring magbenta ng specialty food katulad ng iba’t ibang pagkain galing sa mga probinsya, o kahit kaya’t pagkain galing sa ibang bansa. Patok ng negosyo rin ang pagbebenta ng ready-made food na nakahanda kada pagkain, tulad ng meal prep na patok sa mga taong may pokus sa kanilang kalusugan. Magandang pasukin din ang pagbebenta ng baked goods. Dahil hindi nakakalabas ang mga tao, naghahanap sila ng matatamis na dessert.

Marami na rin okasyon ang lumipas habang lockdown. Mga kaarawan, anibersaryo, at pagtatapos ng pag-aaral ay mabilis na lumipas. Kapalit ng paglabas para magdiwang, marami ang pumili na manatili sa bahay at magpadeliver ng pagkain online. Ang maganda sa pagbebenta ng pagkain ay madali itong ipadala. Maraming padala service ang maaaring gamitin para mapanatiling masaya ang mga customer. Halimbawa ng isang padala service ay ang Transportify na kayang magpadala ng cake ng walang inaalala.

Home decor

Dahil hindi lumalabas ang mga tao, marami ang nagpapaganda ng kanilang mga bahay gamit ang home decor. Naging patok na negosyo sa PInas ang pagbebenta ng dekorasyon at kagamitan sa bahay, lalo na ang mga nilikha gamit ang kamay. Kung ikaw ay may talento sa sining, maaari kang pumasok sa online negosyo na ganito. Marami ang bumibili ng ipinintang larawan, digital artworks, at mga produktong gantsilyo tulad ng macrame. Ang kagandahan sa patok na negosyo na ito ay na pagkakakitaan mo ang iyong hilig.

Isa pang patok na negosyo sa Pinas ngayon ay ang pagbebenta ng mga craft galing sa iba’t ibang probinsya. Uso ngayon ang pagbili ng mga placemat, kumot, at iba pang produkto na may tradisyonal na disenyo galing sa Mountain Province. Maaari din magbenta ng mga basket gawa sa abaka o rattan galing sa Bicol. Madali lamang ang pagpadala kahit gaano kalayo man ito sapagkat maraming padala service katulad ng Transportify na kayang magpadala sa kahit anong punto ng Pilipinas.

Damit

Isa sa mga gawain na hinahanap hanap ng mga Pilipino sa mga panahon na ito ay ang pag shopping. Kung ikaw ay may hilig sa fashion at kadamitan, maaari kang magsimula ng sariling patok na online negosyo dito. Marami ang uri ng damit na maaaring ibenta depende sa iyong kagustuhan. Maaaring magsimula ukay-ukay, o magbenta ng ready to wear (RTW) na damit, o kaya’t magtahi ng damit para sa kliyente. Lahat ito ay kaya na gawing online negosyo dahil sa makabagong teknolohiya na makakatulong sa atin.

Padala Service Para sa Iyong Patok na Negosyo

Marami na ang mga application at online services na nagpapadali magsimula ng sariling patok na negosyo sa PInas. Marami na rin ang mga mapagkukunan ng mga ideya para sa iyong negosyo. Dati, kinakailangan pang isipin ang iba’t ibang bagay bago magnegosyo. Isa dito ang pag intindi sa pagpapadala at logistics. Importante ito lalo na sa online negosyo sa mga panahon na ito na hindi nakakalabas ng bahay. Dahil sa pag usbong ng teknolohiya, marami nang instrumento na ginagamit para mapadali ang pagsisimula ng iyong online negosyo.

Isa dito ang Transportify, isang padala service na maaaring gamitin para magpadala ng produkto patungo sa kahit anong punto sa Luzon gamit ang intracity delivery at patungong Visaayas at Mindanao naman sa tulong ng interisland delivery. Dahil napakalawak ng mga customer na maabot sa social media, ang paggamit ng padala service ay mapapakinabangan mo. Ang Transportify ay mayroong iba’t ibang klase ng sasakyan na maaaring gamitin. Kung ikaw ay nagbabalak mag benta ng maliliit ng produkto, may Economy at L300 o mga van na pwedeng gamitin. Kung malaki naman ang ipapadala, mayroong mga truck katulad ng Closed Van, Pickup Truck, at iba pa.

SEE ALSO:

Transportify Corporate Account for Business

Maliban pa sa pagiging padala service, ang Transportify ay iyong kabalikat sa paglago ng iyong negosyo. Maaaring pumasok sa Transportify Business Program para magamit ang mga serbisyong ito:

  • Monthly Post-Pay o ang pagbayad kada buwan
  • Pre-pay Option
  • Custom SOP
  • Custom Service
  • Goods Insurance hanggang P3 milyon
  • Process Mapping
  • Custom Equipment
  • Dedicated Fleet
  • COD and POD Option

Marami nang SMEs na gumagamit ng Transportify bilang trucking service. Kung ikaw ay interesado pumasok sa Transportify Business Program, maaaring magpadala ng email sa business@transportify.com.ph.

Subukan ang Transportify app! Maaaring iscan ang QR code sa ibaba o pindutin ang button kung saan gusto gamitin ang application, kung sa web app o sa mobile app.

Patok na Online Negosyo at Padala Service sa Pinas QRorDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Ano ang benepisyo ng paggamit ng padala service para sa aking online negosyo?

📱 Dahil nagsisimula palang ang iyong online negosyo sa PInas, maganda gumamit ng padala service na maaasahan. Hindi kinakailangan magtabi ng malaking bahagi ng puhunan para sa pagbili ng sariling kotse o truck. Mayroon din kakaibang features ang mga padala service katulad ng Transportify katulad ng live tracking ng delivery, 24/7 customer support, at iba’t ibang klase ng sasakyan na pwedeng pagpilian depende sa pangangailangan.

Paano magsimula ng online negosyo?

📱 Madali lamang magsimula ng patok na negosyo. Alamin kung ano ang iyong mga interes, sapagkat maraming oras ang kailangan ibigay sa pagnenegosyo. Kinakailangan din mapag-aralan kung paano gumamit ng social media at internet. Alalahanin na dito ka makakakuha ng bibili ng iyong produkto. Kumuha ng mga magaganda ngunit makatotohanang litrato, at siguraduhing makakasagot sa mga katanungan at feedback ng iyong mga customer.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More