H100, Isuzu Travis at Isuzu NHR: Transportify Driver Perks

H100, Isuzu Travis at Isuzu NHR: Transportify Driver Perks

Naghahanap ka ba ng dagdag na kita gamit ang iyong H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR na may flexible time setup? Kung hindi pare-pareho ang oras ng iyong availability, dapat ay makahanap ka ng part-time na kayang sumabay sa iyong iskedyul. Ang pagsali sa Transportify ay madali at mabilis na proseso. Hindi mo kailangan magbayad ng kahit anong “fee” para makapagsimula kumita sa aming platform. Higit pa dito, nasayo ang desisyon sa bawat booking na iyong tatanggapin gamit ang app. Ito ay depende sa kaya mong oras. Alamin kung paano yan dito!

ArrayMag Apply DitoChat Hotline 24/7

Saan Kabilang Ang Long FB Sa Vehicle Class Ng Transportify?

Ang Long FB ay kabilang sa L300/Van, kahanay ito ng Commuter Van at regular na L300. Madalas gamitin ang mga Long FB para sa business deliveries na kailangan ng mas malaki at mahabang cargo compartment pero hindi kasing laki ng mga regular na closed van at truck.

Anu-Anong Klase Ng Long FB Ang Pwede Mong I-Enroll?

Naghahanap ang Transportify ng mga klase ng L300 na may haba na higit sa 8 feet. Tignan sa baba ang mga karaniwang modelo at yari na pwede tanggaping ng Transportify.

VehicleQualified Vehicle
Year model is 2004 or newer
Year model is 2004 or newer
Year model is 2004 or newer

Bakit Mas Magandang Magpasok sa Transportify ng Sasakyan?

Madalas gumamit ang mga customer ng mas mahabang sasakyan kagaya ng Long FB

Malaking porsyento ng booking araw-araw ay napupunta sa mga L300/Van. At mula sa porsyento na ito, maraming customer ang nag-bobook ng Long FB dahil mas convenient at sulit lalo kung mahahaba ang ikakarga.

Kaya naman makakaasa ang mga may ari ng H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR sa steady na demand para sa Long FB at tiyak na may booking na para sa iyo. Ilan sa mga madalas na ikinakarga ng mga customer ay gamit sa bahay, supplies, at general merchandise.

Kung may may 3 o higit ka pang mga sasakyan na balak ipasok sa Transportify, basahin kung paano maging Fleet Partner.

May kakayanan ang mga customer na piliin lamang ang “Long FB” sa app

Mas madali para sa mga customer na mag book ng Long FB kagaya ng H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR dahil may nakalaan na opsyon para mismo dito sa app. Dahil dito, mas nagkakaroon ng accessibility ang mga customer at mas madalas nila ito na-bobook dahil madaling makita sa app.

Hindi kailangan ng mga driver partner ng Transportify ang magsagawa pa ng marketing para sa kanilang sarili dahil ang Transportify na mismo ang gumagawa nito. Wala ng ibang dapat pang problemahin ang mga driver partner bukod sa pag tanggap at kumpleto ng mga booking.

Sa Transportify app, garatisadong may booking para sayo lalo na kung ito ay galing mismo sa mga customer na nais makakuha ng Long FB kagaya ng mga H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR. Tiyak na driver perks ito dahil wala kang gagastusin para sa marketing.

Same day driver payout

Iniimplementa ng Transportify ang same day payout para sa mga driver partner. Ang ibig sabihin, pwedeng makuha ng Transportify driver ang kanilang kita sa parehong araw ng kanilang pag-request.

Iba ang proseso ng Transportify kumpara sa karaniwang logistics company kung saan tumatagal ng ilan araw pa bago nila ma-widthraw ang kita. Isa ito sa pinakaimportante at maganda driver perks dahil hindi mo kailangan maghintay ng matagal at mapapasayo talaga agad ang pinaghirapan mong pera.

Hindi komplicado ang iskedyul ng Transportify

Hindi pinipilit ng Transportify ang kanilang mga driver partner na tumanggap ng booking para sa tiyak na araw o oras. Ang availability ng Transportify driver ay nakasasalay lamang sa driver mismo at wala ng iba. Ibig sabihin nito, bilang driver partner ikaw mismo ang may hawak ng oras mo.

Maraming bookings ang mga customer para sa H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR sa iba’t ibang oras at maaari ka na lamang pumili depende kung anong oras ka maluwag. Walang quota sa Transportify at isa ito sa pinakamaganda driver perks. Maganda itong side line o part time para sa mga may H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR.

Alamin pa ang ibang mga driver requirements ng Transportify dito.

SEE ALSO:

Diskarte Tips Para Sa Mga Driver Partner!

Ituloy ang pagbabasa para magkaroon ng ideya kung paano maging isang madiskarteng Transportify driver partner!

Karaniwan na mas mataas ang demand tuwing Biyernes at Sabado

Pangkaraniwan abala ang mga tao tuwing Biyernes at Sabado. Tuwing Biyernes, ang mga negosyo ay naghahabol ng last minute deliveries para sa wikend. Asahan na maraming rush deliveries sa araw na ito, kaya mag abang sa Transportify Driver app ng mga posibleng booking.

Sa kabilang banda, bukod sa mga businesses delivery tuwing Sabado, may mga personal delivery rin na tinatawag. Madalas ito ay mga lipat bahay. Kaya naman ito ay dagsa tuwing Sabado dahil karamihan ng mga customer ay walang pasok sa opisina at isa ito sa pinaka maluwag nilang araw para maglipat ng mga kagamitan.

Dumadami ang booking tuwing mga huling araw ng bawat buwan

Kadalasan ang pagkakaroon ng mga promo o discount ngayon lalo na kapag “Pay Day” o mga huling araw ng patapos na buwan. Isa ito sa mga nagiging dahilan kung bakit tumataas ang demand tuwing darating ang mga araw na ito.

Bukod pa rito, imporanteng araw para sa mga negosyo ang huling araw ng buwan para mag-distribute ng kanilang mga paninda o cargo para sa paparating na bagong buwan. Ito ay cycle para mapanatili ang pagtakbo ng supply chain ng isang negosyo.

Mas tumataas ang demand tuwing pagsapit ng BER months

Likas na tumataas ang demand tuwing BER months para sa Long FB kagaya ng H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR. Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit:

  • Gift delivery para sa mga kliyente o mga empleyado
  • Gift delivery para sa mga kamaganak at kaibigan
  • Pagdagdag ng supplies at stock sa mga tindahan dahil madaming mamimili tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Hindi lamang sa Metro Manila tumataas ang demand tuwing sasapit ang kapaskuhan, pati narin sa mga malalaking probinsya sa Visayas at Mindanao. Alamin kung paano ka makakapag-apply kung ikaw ay nakatira sa ibang ilsa sa Pilipinas.

Pwede mong gawing part-time o full-time ang pagtanggap ng booking sa Transportify

Kagaya ng nasabi namin sa mga naunang parte ng sulatin na to, walang quota ang mga driver partner sa pagsali sa Transportify. Nasasayo bilang Transportify driver kung anong mga booking ang tatangapin mo gamit ang H100, Isuzu Travis, o Isuzu NHR.

Ibinaagi nanamin ang mga diskarte sa taas para mabigyan ka ng ideya kung anong mga araw ang pinakamagandang mag abang ng booking dahil tiyak ng makakakuha ka ng booking para sa Long FB kagaya ng H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR.

Bisitahin ang Transportify Driver Page para sa iba pang impormasyon kung paano maging driver partner namin.

orDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Anu-anong model at yari ng sasakyan ang tinatanggap ng Transportify para sa Long FB category?

🚚 Kung ikaw ay may H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR pwedeng pwede mo itong i-enroll sa Transportify para maging driver partner. H100, Isuzu Travis, at Isuzu NHR ay may haba na higit sa 8ft at sakto para sa mga customer na ngangailangan ng mas mahaba at malaki na sasakyan kumpara sa regular ng L300.

Paano i-enroll ang sasakyan sa Transportify?

🚚 Ang driver application sa Transportify ay online. Pwede ka ng maging isang driver partner sa loob ng isang araw kung ikaw ay makakapagbigay ng mga kailangan dokumento. Kung intersado kang mag-apply pumunta lamang sa aming Driver page o magchat sa customer service.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More