Presyo Ng Trucking Delivery Sa Transportify App

presyo-ng-delivery-sa-trucking-logistics-app-ng-transportify-updated-og

Kung ikaw ay nagaalala sa mahal na delivery fees, tignan ang presyo ng Transportify at alamin ang mga serbisyong inaalok ng kumpanyang ito para sa trucking delivery. Bukod sa pagiging mura at abot-kaya, ang Transportify ay nakatuon sa pag-aalok ng best quality service sa mga customer. Tampok sa trucking logistics app ng Transportify ay ang maraming sasakyan na pwedeng pag pilian, 24/7 customer service, at scheduled bookings. Gamiting ang “Instant Quote” sa baba para makakuha ng ideya kung magkano aabutin ang mga delivery mo.

ArrayINSTANT QUOTELive Chat 24/7Live Chat 24/7

Para sa isang bagong may ari ng negosyo na gustong makilala ng mga customer, ang paglawak ng customer reach ay isang mahalangag aspeto sa paglaki at asenso. Ngunit kasabay ng pag-abot ng negosyo mo sa mas maraming customer ay kailangan mong maghatid ng mga produkto sa mas malalayong lugar. Higit pa dito, pangalan ng negosyo mo ang nakataya kung ang mga produkto na in-order ay hindi nakarating on-time o hindi kaya, nasira habang in transit.

Ang pagkakaroon ng sarili mong fleet ng mga delivery vehicle at truck ay kailangan ng mas maraming kapital at oras para sa pag-train ng drivers at pag-plano ng delivery routes. Ang ganitong klase ng pagsubok ay nangyayari hindi lamang sa mga bagong negosyo, pati narin sa matatagal at malalaking kumpanya na may tinatawag na in-house fleet.

May mga panahon kung saan sa sobrang daming demand, nahihirapan ang mga nesgosyo i-manage ang delivery on-time. Dahil dito, mas praktikal para sa mga negosyo na mag-outsource ng delivery support mula sa mga kumpanya ng trucking logistics.

Kung ang negosyo mo ay madalas makarananas ng mga mataas na demand, hindi ba mas mabuting mag-outsource nalang ng delivery na pwede mong i-book mula sa cellphone at kompyuter? Buti at narito na ang Transportify app at ang mga abot-kayang presyo nito para sa mga business delivery niyo.

Magkano Ang Trucking Delivery Ng Transportify App?

Binabago ng Transportify ang mga nakasanayan sa logistics gamit ang pagiging trucking delivery app upang mabigyan ang mga customer ng abot-kayang presyo. Ang isang may ari ng negosyo ay hindi na kailangan problemahin pa ang delivery dahil meron on-demand services ang Transportify na laging andyan. I-experience ang flexible booking schedules, real-time visibility, malawak na service area, at abot-kayang presyo sa gamit ang trucking delivery app.

Vehicle TypeDimensions/
Weight Limits
Base Price
(Metro Manila)
Base Price
(Outside Metro Manila)
Base Price
(Visayas/Mindanao)
wing-van-iconWing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg
7000 PHP6500 PHP6500 PHP
6w-fwd-truck-icon6w Fwd Truck18 x 6 x 7 ft
7000kg
4850 PHP4850 PHP4850 PHP
closed-van-iconClosed Van10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg
1600 PHP1450 PHP1450 PHP
open-truck-iconOpen Truck10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg
2300 PHP1950 PHP1950 PHP
l300-van-iconL300/Van8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg
415 PHP374 PHP335 PHP
small-pickup-iconSmall Pickup5 x 5 ft x open
1000kg
418 PHP338 PHP325 PHP
light-van-iconLight Van5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg
375 PHP292 PHP275 PHP
mpv-iconMPV/SUV5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg
240 PHP210 PHP160 PHP
sedan-iconSedan3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg
220 PHP190 PHP140 PHP

Ang sikat na kumpanya para sa trucking logistics in the Philippines na Transportify ay maraming delivery services para sa mga business partner at customer upang matiyak na ang mga ito ay laging kuntento at masaya sa serbisyo na makukuha nila sa presyong hindi sila malulugi at madadaya.

Mga Kapaki-pakinabang Na App Feature ng Transportify

Ang aming services ay hindi lamang abot-kaya. Ito rin ay nagbibigay halaga sa accessibility, convenience, at visibility. Narito ang ilan sa mahahalagang in-app feature para sa aming mga customer:

1. Madali at mabilis na proseso

Hindi mo na kailangan magpunta sa mga logsitics hub upang ikaw ay makapag-book. Gamit ang trucking delivery app ng Transportify, ilagay lamang ang pick-up at drop-off, at sa loob ng ilang minuto may kumpirmadong booking ka na. Ang magandang bagay sa mga ganitong klase ng application ay maaari kang mag-book kahit nasaan ka man at kahit anong oras.

2. Kontakin ang driver sa madaling paraan

Nais mo bang i-text o matawagan ang driver para sa mga urgent instruction mo? Ang trucking delivery app ng Transportify ay may in-app chat feature kung saan maaari mong makausap ang driver na naghahatid ng iyong produkto. Ang feature na ito ay nagbibigay-daan sa customer at driver para magkaroon ng maayos na komunikasyon at mainam na paraan para malaman kung malapit na ba ang delivery.

3. 24/7 Customer Service

Inaalala mo ba na baka hindi agad kami umaksyon kung magkaproblema ang iyong booking? Huwag mag-alala dahil sa 24/7 customer service ng Transportify, matatawagan o makaka-chat mo agad ang ang isa sa aming mga customer service agent. Hindi mo kailangan mag-alala na hindi masasagot ang iyong mga katanungan, dahil laging may mga nakaantabay para maresolbahan ang concern mo.

SEE ALSO:

Pumili Ng Sasakyan o Truck Base Sa Pangangailangan

Mahalagang masuri ang tamang detalye para sa bawat delivery vehicle na iyong kukunin na magdadala ng iyong mga produkto sa iba’t ibang destinasyon. Narito ang ilang mga sasakyan ng Transportify at kung paano ito makakatulong sa mga business deliveries:

Sedan and MPV/SUV

Ito ang pinakamaliit na sasakyan ng Transportify. Madalas gamitin ang mga sedan at MPV/SUV para mag-deliver ng mga grocery sa bahay bahay o work from home equipment para sa mga empleyado, at para narin sa mga pang personal na delivery.

L300/Van

Kung nais mong mai-deliver ang iyong mga muwebles na hindi ganuon kalakihan sa kanikanilang mga customer ng mabilis at abot-kaya, L300 ang tama para sayo.

Ang mga kumpanya ng FMCG o fast moving consumer goods tulad ng Universal Robina Corporation ay gumagait ng L300 o Van para ihatid ang mga kahun-kahon na produkto. Kung kailangan mo naman magpadala ng malalaki na work from home equipment tulad ng office tables at chairs, ito narin ang vehicle class na ginagamit ng mga BPO para sila ay makapagbigay ng work from home equipment.

Closed Van

Sino ang nagsabi na hindi ka maaaring mag-ehersisyo mula sa bahay? Maaring gamitin ang mga Closed Van ng Transportify para mag padala ng home gym equipment. Kung kailangan mo naman ng sasakyan para ikarga ang 6ft mong refrigerator, kasyang kasya ito sa mga Closed Van. Bukod sa malaking espasyo, tiyak na ligtas na darating ang mga gamit mo dahil ang sasakyan na ito ay may bubong.

Wing Van (32ft and 40ft)

Dahil ang isang Wing Van ay maaaring magdala ng hanggang 28 tons o 28,000 kilo, ang mga kumpanyang na nag-ttransport ng bulto bultong kargo o produkto kagaya ng mga cosmetics, plastics, at maraming klase ng materyales ay dapat gumamit ng ganitong ka-heavy duty na truck. Kung bulto ang kailangan i-transport, mainam na gumamit ng malaking truck kagaya nito para matapos ang delivery ng mabilis at hindi na kailangan pa na pabalik balik ang mga sasakayan mula at papuntang warehouse.

Open Truck

Ang mga nasa industriya ng construction ay ang kadalasang na gumagamit ng ganitong klaseng truck. Ang mga materyales para sa construction tulad ng metal tube, scaffolding pole, hollow block, at mga pang roofing ay madaling maihatid gamit ang vehicle option na ito.

Piliin Ang Praktikal Na Solusyon Para Sa Iyong Trucking

Alamin mabuti kung praktikal para sa iyong negosyo ang pag-outsource ng serbisyo para sa trucking delivery. Tandaan na hindi kagaya nuon, ang paghahanap ng abot-kaya at maayos na serbisyo ay hindi na mahirap ngayon. May mga trucking delivery apps na kagaya ng Transportify na kahit anong oras pwedeng magamit ng mga indibidwal at negsosyo. Kung ang negosyo mo ay nasa Luzon, Visayas, o Mindanao, tiyak na kayo ay maabot ng serbisyong tapat ng Transportify.

Simple at hindi komplikado ang pag gamit ng mga online delivery apps, bukod sa mabilis at maasahan proseso nito, hindi kailangan ng binding contract para magamit ang serbisyo ng kagaya sa Transportify. Kaya kahit saan at kahit kailan, pwede kang mag-book ng walang karagdagan bayad.

Presyo Ng Trucking Delivery Sa Transportify App QRorDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Bakit naghahanap ng mas murang alternatibo ang mga negosyo pag dating sa trucking logistics?

🚚 Mahal ang magkaroon ng in-house fleet, kaya maraming negosyo ngayon ang mas pinipili na mag-outsource ng serbisyo para dito. Sa paraang ito, mas magiging magaan para mga negosyo ang pag-manage ng delivery dahil ang driver at sasakyan ay ma-pprovide na ng third party logistics. Mas malaki ang pwedeng mong matipid sa ganitong klase ng delivery habang tumatagal.

Saan-saan nakakapagdeliver ang Transportify trucking logistics app?

🚚 Pwedeng i-book ang Transportify sa Luzon, Visayas, Mindanao. May Send Load, Book Vehicle, at Interisland service na available sa app. Depende sa klase ng delivery na kailangan ng negosyo mo, isa sa mga tatlong nabanggit ay tiyal aangkop dito. Kung may karagdagang tanong, mag-chat o tumawag lamang sa aming hotline.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More