Express Delivery Service for Paskong Pinoy {Top Choice}

Express Delivery Service for Paskong Pinoy

Nakasanayan na ng karamihan ang magarbong selebrasyon ng paskong pinoy. Karaniwang may iba’t ibang handaan ang bawat pamilya bilang pasasalamat sa mga biyayang natamo nila sa isang buong taon. Talagang nariyan spirit ng paskong pinoy na nagbibigay kasiyahan sa bawat isa at hinding hindi matutumbasan ng kahit anong salapi o pera. Masasabi mo talagang iba ang paskong pinoy kumpara sa ibang parte ng mundo.

ArrayINSTANT QUOTELive Chat 24/7Live Chat 24/7

May mga nakasanayan na tayong tradisyon tuwing sasapit ang pasko sa Pilipinas. Halimbawa nito ay ang Simbang Gabi, pagsasabit ng mga parol, pangangaroling, pagkakaroon ng Belen, Misa de Gallo at Noche Buena. Kaya’t marami Pilipino ay ginagawang opportunity na rin ito upang kumita tuwing selebrasyon ng paskong pinoy sa ating bansa. Iba’t ibang diskarte ang ginagawa ng mga pinoy para makakuha ng mas maraming kita.

Anu ano nga ba ang mga patok na negosyo tuwing paskong pinoy at paano makakatulong ang isang express delivery service para mas mapagaan ang operation ng mga negosyong ito. Halina’t ating alamin sa pagpapatuloy ng article na ito.

Mga Patok na Negosyo tuwing Pasko sa Pilipinas

Lumalabas ang pagiging creative ng mga pinoy sa mga negosyong kanilang pinapasok para sa extrang kita. Kung ikaw ay nagbabalak na magnegosyo ngayong papalapit na pasko, narito ang listahan ng ilan sa mga sikat na negosyo tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Food Business

Hinding hindi mawawala sa listahan ang mga pagkain na pwedeng panghanda tuwing may selebrasyon. Mahilig ang mga pinoy na maghain at mag eksperimento ng iba’t ibang putahe o delicacies upang ipagpasalamat ang mga blessings na kanilang natanggap sa buong taon. kaya’t maraming pinoy ang ginagawang paraan ito upang kumita. Halimbawa ng mga pagkaing pwede i-negosyo kapartner ng mga food business delivery service ay ang sumusunod:

        • Puto Bumbong at Bibingka

Masasabi mong nagsisimula na ang paskong pinoy kapag nakakita ka na ng mga nagtitinda ng puto bumbong at bibingka. Isa na ito sa mga naging simbolo ng pagsisimula pagdiriwang ng pasko sa PIlipinas.

Patok na patong ito sa mga tao, lalo na sa mga dumarayo ng Simbang Gabi. Isa ito sa mga pagkain na binibili nila upang gawing agahan pagkatapos magsimba. Ang pagkakaroon ng puto bumbong at bibingka business ay hindi nangangailangan ng malaking pwesto dahil pwedeng pwede ka magtayo nito sa tapat ng iyong bahay lalo na kapag malapit ka sa simbahan.

Sa panahon ngayon, ginagawa na rin ang pagbebenta ng puto bumbong at bibingka gamit ang social media gaya ng Facebook at Instagram. Ang kailangan mo lang ay magkaroon ng maaasahang express delivery service provider para madeliver ang iyong produkto sa customer. Maaari mong i-try ang Transportify lalo na sa maramihang order ng pagkaing ito. Narito ang mga sasakyan at kani-kanilang presyo para sa iyong reference:

Vehicle TypeBase Price
(Metro Manila)
Base Price
(Everywhere Else in Luzon)
Base Price
(Visayas/Mindanao)
L300/Van
7 x 7 x 4 ft
1000kg
430 PHP330 PHP310 PHP
Small Pickup
5 x 5 ft x open
1000kg
310 PHP250 PHP220 PHP
Light Van
5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg
250 PHP192 PHP225 PHP
MPV/SUV
5 x 3.2 x 2.8 ft
300kg
160 PHP130 PHP140 PHP
Sedan
3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg
140 PHP90 PHP100 PHP
        • Lechon Business

Star ng handaan kapag paskong pinoy ang lechon. Nakasanayan na ng mga Pilipino na ihain ito bilang simbolo ng kanilang pasasalamat sa masaganang taon na dumaan. Ang demand ng lechon tuwing kapaskuhan ay talagang tumataas. Kaya’t kailangan ng mga ganitong business ng maaasahang logistics provider na tutulong sa kanila upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga customers.

Kadalasan, mas gusto ng customer ang pick up kapag ganitong uri ng pagkain. Ngunit sa kasalukuyan, mas patok na ang paghire ng mga express delivery service provider upang kunin ang kanilang orders mula sa kanilang suki. Isa ang Transportify sa mga patok na patok na express delivery service provider kapag Christmas season. Mula sa uri ng vehicles nila at mababang presyo, swak ito sa pangangailan ng bawat isa tuwing kapaskuhan.

        • Food Tray Business

Nahihilig na rin ang mga Pinoy na umorder ng kanilang pagkain instead na magluto. Kaya’t dumarami na rin ang mga negosyanteng nag papaorder ng mga food trays lalo na sa mga special occasions tulad ng Pasko. Ang proseso nila ay online na rin kagaya ng maraming business sa kasalukuyan. Matapos mo umorder online, ay gagawin nila ang pagkain mo tapos ay ipapadala sa mga express delivery service booking app upang makarating sa iyong location. May mga options din sila gaya ng COD or Cash on Delivery para mabigyan ng chance ang mga customer sa mga cash payments.

Christmas Gifts

Bukod sa mga pagkain na ating inaabangan tuwing sasapit ang paskong pinoy, isa rin ang mga Christmas gifts sa nangungunang negosyo na pinapasok ng Pilipino. Ang mga tradisyunal na negosyo ay nagkakaroon ng iba’t ibang paraan upang mas mapataas ang kanilang sales tuwing Christmas season. Nariyan ang kabi-kabilang Christmas at year end sale na saktong sakto para sa mga Christmas gifts natin sa ating mga pamilya at kaibigan.

Naglevel up na ang ibang tindahan at nagkaroon na rin sila ng epxress online delivery service kung saan pwedeng pwede ka na mag order online upang sorpresahin at ipadala sa mga express delivery service ay iyong personalized gift. Isa ang Transportify sa mga piniling maging kapartner ng karamihan sa mga negosyong ito upang ihatid ang mga parcel sa napili nilang location.

Christmas Decors

Masasabi mong pasko na sa lugar niyo kapag nakakita ka na ng mga christmas decors tulad ng mga parol, belen, christmas trees at iba pa. Maraming Pilipino ang pinipiling i-negosyo ang mga ito para magkaroon din sila ng extrang kita. Alamin kung paano:

        • Mga Belen at Parol

Nakasanayan na ng mga pamilya ang pagkakaroon ng tradisyunal na parol o Belen sa kanilang bahay bilang pakikiisa sa pag-celebrate ng pasko sa Pilipinas. Sikat na pagawaan ng parol ang probinsya ng Pampanga. Sa katunayan, mayroon silang ginaganap na taunang Lantern Festival bilang pagdiriwang ng kasikatan ng mga parol na gawang Pampanga. Sa parehong probinsya ay may mga gumagawa rin ng mga Belen mula sa rattan at abaka na pwedeng pwede niyo ring ipandisensyo sa iyong kabahayan.

Kung ikaw ay nagnanais na magkaroon ng parol at belen mula sa Pampanga, hindi mo na kailangan mag alala dahil pwede mong contactin ang supplier mo tapos ay i-book niya ito sa mga express delivery service provider gaya ng Transportify.

        • Christmas Trees & Holiday Decors

Ang pagkakaroon ng Christmas tree at iba pang disenyong pampasko ay nagmula sa mga Amerikano. Nakagisnan na rin natin ang pagkakaroon ng tradisyunal na Christmas tree bilang disenyo ng ating bahay. Dito natin inilalagay ang mga regalong karaniwan ay binubuksan tuwing Noche Buena.

Dahil karaniwan na malaki ang mga Christmas tree, nangangailangan ito ng extra care sa pagpapadala at pag deliver. Siguraduhing maayos at maaasahan ang iyong pipiliing express delivery service upang maiwasan ang pagkasira ng inyong Christmas decors.

Paano Makakatulong sa mga Negosyo ang isang Express Delivery Service tuwing Paskong Pinoy?

Malaki ang tulong ng mga express delivery service sa pagpapalago ng negosyo tuwing pasko sa Pilipinas. Kapag maaasahan at maganda ang serbisyo ng inyong delivery service, gaganda ang image ng inyong company sa mga customers at malaki ang posibilidad na umulit sila sa pag-avail ng produkto o service sa inyo. Isa rin sa mga tulong na naibibigay ng express delivery service sa mga customers nito ay ang pagkakaroon ng mas maraming savings dulot ng abot-kayang presyo ng delivery. Siguradong magkakaroon kayo ng malaking savings lalo na kapag may magandang business partnership program ang iyong napiling provider.

Bukod pa rito, mas magiging magaan ang inyo pagmamanage ng deliveries dahil mayroon nang sariling pamamaraan ang mga makabagong delivery service providers upang matulungan ang kanilang customers sa logistics. Ito’y malaking hakbang sa paghahanda lalo na at mas malaki ang demand ng iba’t ibang produkto para sa christmas logistics sa Pilipinas.

Partner with Transportify

Kung ikaw ay naghahanap ng maasahang logistics provider para sa inyong deliveries sa holiday season, maaari niyong i-explore ang services ng Transportify. Bukod sa maraming sasakyan ang pagpipilian, mas mababa ng 40% ang Transportify rates kung ito’y ikukumpara sa mga leading logistics companies sa Pilipinas.

Para makapag-download ng aming application, maaari mong i-scan ang QR code o kaya ay i-click ang buttons na makikita sa ibaba.

Paskong Pinoy QRorDownload Transportify Icons

Kung ikaw ay may balak mag negosyo ngayong papalapit na kapaskuhan, mabuting mag-simula na kayo at tingnan ang mga pwedeng negosyong sa inyong lugar. Mayroong business program ang Transportify na pwede nyong i-avail. Malaking tulong ito sa mga aspiring entrepreneurs at mga established businesses. Tingnan ang inclusions ng Transportify Corporate Account for Business dito:

Business Program
Services
Program Features
Live SupportOpen 24/7
PrepayAvailable
Postpay with Monthly InvoicingAvailable
DestinationsA total of 16 destinations can be added in every booking
COD/PODCOD + POD
2.50% of invoice
Min of 80 PHP
(Flat Fee/Booking)
POD Only
80 PHP for ≤ 3 destinations
160 PHP for ≤ 10 destinations
200 PHP for ≤ 15 destinations
Insurance and WarrantyUp to 3 million PHP coverage from OONA Insurance
Nationwide Service AreaAvailable
Interisland and Same Day Trucking in Luzon, Visayas, and Mindanao
Business Web DashboardTeam Account Management Customized Reports

Maliit man o malaki na negosyo, ang importante ay kumikita kayo sa mabuting paraan. Kung ikaw ay interesado sa mga services ng Transportify, maaring bisitahin ang aming website at basahin ang aming blogs tungkol sa aming serbisyo.

Frequently Asked Questions:

Ano ang benepisyo ng pagkakaroon ng express delivery service partner?

✅ Bukod sa mas makakatipid ang iyong negosyo sa mga delivery fees, ang mga express delivery service ay nagbibigay ng mas safe at maaasahang serbisyo. Kagaya ng Transportify, pangunahing layunin ng kanilang serbisyo ay ang pagtulong para mapadali ang paghahandle ng logistics sa mga negosyo.

Magkano ang karaniwang presyo ng deliveries kapag papalapit na ang Paskong Pinoy?

✅ Karaniwan mas tumataas ang presyo ng iba’t ibang produkto kapag mas mataas ang demand bunsod ng selebrasyon ng Paskong Pinoy. Sa logistics, mas nagiging abot kaya ang mga ito bilang bigyang daan na serbisyohan ang iba’t ibang klaseng negosyo sa mga panahong ito. Kagaya ng Transportify, ang kanilang economy vehicles ay mas naging abot kaya sa presyong P120 base price para sa mga deliveries sa Metro Manila at P90 naman sa iba pang lugar na sakop ng kanilang service area. Bumaba rin ang base price ng L300 na ngayon ay P430 at closed van na ngayon ay P1800.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More