Truck Transport Gamit Ang 10 Wheeler Wing Van [Luzon-Wide]

Truck Transport Gamit Ang 10 Wheeler Wing Van [Luzon-Wide]

Dito sa Transportify, ipinagmamalaki namin ang mga opsyon na naibibigay namin sa aming mga customer. Tinutukoy namin dito ang iba’t ibang sasakyan at trak na mapagpipilian at iba’t-ibang ng mga paraan para mai-streamline ng negosyo mo ang logistics. Gaano man kalaki o kaliit ang negosyo, meron kaming mga serbisyo para matugunan ang lahat ng pangangailang pang logistics. Kaya, kung kailangan mong gumawa ng ilang mga pang-personal na delivery gamit anf maliit na sasakyan gaya ng sedan, maaari ka naming tulungan. Kung ikaw naman ay maraming inaasikaso at kailangan mo ng 10 wheeler truck wing van, maaari ka rin naming matulungan dito.

ArrayINSTANT QUOTEArrayLive Chat 24/7

Anu-Ano Ang Benepisyo ng Truck Transport?

Ang truck transport ay mahalagang parte ng isang operasyon ng negosyo na madalas kailangan ng mga delivery. Ang isang 10 wheeler wing van truck ay hindi lamang kayang makakapag hatid ng bulto bultong kargo sa buong Luzon, madali din itong gamitin para sa mabilisan na pagkarga at diskarga. Habang tumataas ang mga pakpak sa gilid ng sasakyan, maaaring isalansan o idiskarga ang mga kargo nang hindi kinakailangang ilabas ang lahat sa likod ng trak. Isa lamang ito sa maraming benepisyo ng transportasyon ng trak.

Ang iba pang mga benepisyo ng high-tech truck transport ay ito ay maaring makatipid sa gastos, real-time tracking, propesyonal na driver partners, at ang madali at mabilis na set-up para sa mga last mile delivery service. Narito pa ang ibang detalye:

Makakatipid sa gastos at enerhiya

Ang paggamit ng 10 wheeler truck wing van para mag hatid ng mabibigat at malalaking kargo ay mas sulit kaysa sa pagkakaroon ng mga pribadong van na nagdadala ng mas maliiit at magagaan na kargo sa parehong distansya. Bukod pa rito, mababawasan ang iyong carbon footprint sa paggamit ng ganoong diskarte. Muli, ang mga last mile deliveries ay maaaring mahatid gamit ang mas maliit na sasakyan sa mas maiikling distansya.

Vehicle TypeCargo DimensionCapacityStarting Price
Vehicle TypeCargo DimensionCapacityPrice Starts at
IsEconomy (Sedan/Hatchback)L: 3.5 ft
W: 2 ft
H: 2.5 ft
200 kg
₱120 (Metro Manila)
₱90 (Other Areas)
Light VanL: 5.5 ft
W: 3.8 ft
H: 3.8 ft
600 kg

₱250 (Metro Manila)
₱192 (Other Areas)
IsL300/VanL: 7 ft
W: 4 ft
H: 4 ft
1000 kg₱430 (Metro Manila)
₱330 (Other Areas)
Small PickupL: 5 ft
W: 5 ft
H: Open
1000 kg₱310 (Metro Manila)
₱250 (Other Areas)
4W Closed VanClosed VanL: 10 ft
W: 6 ft
H: 6 ft
2000 kg
₱1800 (Metro Manila)
₱1450 (Other Areas)
6w Fwd TruckL: 18 ft
W: 6 ft
H: 7 ft
7000 kg₱4850
Vehicle 10 Wheeler Wing Van Icon10w Wing Van (32ft)L: 32 ft
W: 7.8 ft
H: 7.8 ft
15000 kg₱7500
Wing Van (40ft)L: 40 ft
W: 7.8 ft
H: 7.8 ft
28000 kg₱10500 (Metro Manila)
₱9500 (Other Areas)
Pickup TruckL: 10 ft
W: 6 ft
H: Open
2000 kg₱2300 (Metro Manila)
₱1950 (Other Areas)
Long Pickup TruckL: 18 ft
W: 6 ft
H: Open
7000 kg₱4850
Mini Dump
Mini Dump Truck
L: 10 ft
W: 6 ft
H: Open
3500 kg₱1500 (Metro Manila)
₱1200 (Other Areas)

Kasama sa presyo ng 10 wheeler truck wing van ang isang Extra Helper, driver’s fee, sasakyan, at pagkarga at diskarga. Ang parking at toll ay kailangan bayaran sa driver.

Direktang tracking sa booking

Bilang karagdagan sa listahan ng mga benepisyo, mas madaling subaybayan ang isang 10 wheeler truck, lalo na kung galing ito sa isang third party delivery company tulad ng Transportify. Gumagamit kami ng software para sa GPS na magbibigay sayo ng real-time na impormasyon tungkol sa lugar ng sasakyan.

Propesyonal na mga driver

Siyempre, hindi lang sinuman ang maaaring sumakay at mag maneho ng isang malaking 10 wheeler truck wing van. Ang aming mga driver ay dumaan sa mahigpit na pagsasanay para matiyak na sila ay may pambihirang sanay at lakas na dalhin ang mga mabibigat at naglalakigan na kargo na may propesyonalismo at pag saalang alang sa gamit. Kung nag-aalala ka tungkol sa kaligtasan ng iyong mga kargo at gusto mong makarating sila ng maayos sa kanilang mga dapat na destinasyon, ang paggamit ng 10 wheeler truck wing van service gamit ang Transportify ay paniguradong maasahan.

Ang aming wing van truck transport ay tumutugon sa lahat ng klase ng truck delivery mula Mega Manila papunta sa kahit anong lugar sa Luzon. Maarin mo rin i-book ito nationwide para sa mag delivery sa Visayas at Mindanao. Iiskedyul ang iyong mga booking, pumunta sa app at ilagay ang takdang oras para sa pick-up time. Maari karin mag advance booking ng hanggang dalawang linggo.

SEE ALSO

Transportify: Truck Transport Company Para Sa Ecommerce Logistics

Binabago ng ecommerce ang laro para sa truck transportation. May lugar ba ang isang wing van truck tulad ng 10 wheeler truck sa bagong panahon na ito ng high-velocity supply chain, lalo na’t lumalaki ang mga padala at lumiliit na ngayon ang delivery time?

Bumibili ang mga mamimili ng napakaraming produkto ng iba’t ibang uri online. Nagreresulta sa patuloy na paglaki ng mga benta ng ecommerce, kaya nagdadala ito hindi lamang ng good news kundi pati na rin ng malalaking hamon sa mga supply chain network ng bawat bansa at truck transport services providers na sumusuporta sa mga network na ito.

Ang benta sa ecommerce mula 2012 at 2019 ay lumago na may annual rate na 14.9 porsyento, na mas malaki kaysa sa growth ng construction material sales, ayon sa isang survey. Ngayon, sa taong 2020, tutukuyin ng ecommerce ang humigit-kumulang 20 porsiyento ng lahat ng retail sales ngayong taon.

Truck Transport sa Gamit Ang Middle Mile

Hindi alintana kung saan kukunin ang produkto o kung saan kinukuha ang produkto, mula sa online o mga tindahan ng construction material, kailangan pa rin nitong maglakbay gamit ang middle mile. Ang demand para sa wing van truck transport ay patuloy na tataas.

Ngayon, ang ecommerce ay naghahatid ng paglago ng trade at komersyo mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, ngunit higit sa lahat mula sa malalaking negosyo na nagpapadala ng bulto bulto sa araw-araw. Ang pagsubaybay sa pangangailangan ng mga mamimili ay ang tunay na hamon. Lahat ng logistics company ay nagbibigay ng mga propesyonal at lisensyado driver ng truck na kayang tugunan ang mga shipment requirement.

Mga Industriya Na Nakikinabang Sa Truck Transport

Ang trak tulad ng 10 wheeler truck wing van, closed van, at long pickup truck ay nagbibigay ng customized o personalized na serbisyo sa iba’t ibang industriya. Kasama sa mga industriyang ito ang appliance at furniture delivery at manufacturing. Walang alinlangan na ang mga truck transport services ngayon ay naging importanteng parte na ng supply chain management sa ilang market.

Ang truck transportation ay nilikha para maibigay ang pinaka-maaasahan at pinaka-ligtas na mode ng transportation para sa malalaki at mabibigay na kargo ng iba’t ibang negosyo. Nagbibigay ang mga logistics provider ng customized truck transport service batay sa mga pangangailangan ng mga customer.

Narito ang mga sumusunod na industriya na higit na nakikinabang sa mga truck transport services:

Furniture Movers at Storage Service

Ang mga negosyong sa mga furniture moving at storage services ay higit na nakikinabang mula sa isang customized truck transport services dahil sila ay naghahatid at naglilipat ng mga muwebles mula sa isang lokasyon patungo sa isa pa.

Ang mga malalaking truck na ito tulad ng mga 10 wheeler truck at iba pang wing van ay idinisenyo para magkaroon ng mga pinto na kayang tumanggap ng malalaking mga kagamitan, nang sa gayon ay maiiwasan ang anumang
potensyal na pinsala sa mga mga muwebles na ikakarga sa truck.

Appliances Delivery

Ang mga appliances ay may iba’t ibang anyo, at ang ilan sa mga ito ay maaaring mangailangan na maglakbay ng mas mahabang milya bago sila ligtas na makarating sa nilalayong destinasyon. Ang mga malalaking appliance ay kailangan ng mas malaking espasyo; kaya naman ang isang trak, tulad ng 10 wheeler truck wing van, at closed van ay akma para sa ganitong uri ng mga truck transport needs.

Manufacturing

Ang mga kumpanya ng manufacturing na walang in-house trucking transportation ay naghahanap ng isang may kakayahan at mapagkakatiwalaan na logistics company na kayang pamahalaan ang kanilang mga paghahatid ng supply sa kanilang mamimil. Araw-araw, naglo-load sila ng libu-libong supply sa mga tindahan at sa mga mamimili. Itong ang dahilan kung bakit mahalaga ang truck transport services sa kanila.

Ito ang mga pinaka-karaniwang industriya na nangangailangan ng mga truck transport services. Mayroon pa rin diyan na hindi namin nabanggit na nangangailangan din ng ganitong uri ng serbisyo. Sa katunayan, ang truck transportation ay kinakailangan para sa bawat negosyo at iba’t ibang uri ng industriya.

I-download ang Transportify application sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code o pag-click sa mga button sa ibaba.

orDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Ano ang mga wing van?

🚚 Ang mga wing van ay isang uri ng mga cargo truck na nakabukas ang mga pinto sa gilid, na kahawig ng isang pakpak. Ang mga van na ito ay kadalasang ginagamit sa mataas na dami ng mga pagpapadala at malalaking kargo. Sa pagbukas ng mga gilid kumpara sa likuran, ginagawa nitong mas maginhawa ang pagpasok at paglabas ng kagamitan para sa bawat customer.

Saan ako makakapag-hire ng 10 wheeler wing van sa Manila?

🚚 Mayroong mga operator ng trak na may mga serbisyo kung saan maaari kang umarkila ng iba’t ibang uri ng mga trak. Ang mga operator na ito ay matatagpuan online sa mga web ad page tulad ng Sulit.com at olx. Pero may mas madali at mabilis na paraan pa, nag-aalok ang Transportify ng 10 wheeler wing van na maarin mong ma-book ng diretso sa app at website. I-download ang app, at maaari ka ring mag-book nang maaga.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More