Mga Negosyo Sa Panahon Ng Pandemya | Logistics Trend (2024)

Mga Negosyo Sa Panahon Ng Pandemya | Logistics Trend (2021)

Hindi lamang ang ating nakasanayang buhay at kalusugan ang apektado ng sumiklab ang isyu ng Covid-19 sa ating bansa at sa buong mundo. Sa Pilipinas, ang isa sa matinding naapektuhan ay ang sektor ng negosyo.

ArrayINSTANT QUOTEArrayLive Chat 24/7

Sa mga nangyaring krisis dahil sa pandemya, maraming negosyo ang nakayanan bumangon at magpatuloy, pero marami narin ang mga nagsara. Layunin ng artikulo na ito na mag bigay kaalaman sa mambabasa tungkol sa mga negosyo na lubhang naapektuhan at sa mga negosyo na sumikat at umunlad dahil sa makabagong logistics trend ngayong pandemya.

Anu-Anong Negosyo Ang Labis Naapektuhan Nang Pandemya?

Kung ating susuriin mabuti ang mga negosyo na nakaranas ng matinding epekto ng pandemya ay mga may kaugnayan sa paglabas at pagkikipaglasamuha ng tao. Narito ang ilan sa mga sektor na aming nais bigyan pansin:

Food Service

Kabilang sa sektor na ito ay ang mga tinatawag natin na restaurants at fast food chains. Marami sakanila ay bukas para tumanggap ng delivery at pick up orders, pero malimit pa rin ang pag payag sa dine-in. Para sa mga may ari ng resturants at fast food chains, hindi magiging sapat ang kita mula sa take out dahil ito ay 10% lamang ng kanilang kinikita nuong hindi pa nangyayari ang pandemya.

Nagiging hamon din sa mga negosyo na ito ang pag aayos ng kanilang mga supplies na ginagamit sa pang araw araw na operasyon para sa food supplies deliveries. May mga araw na naantala ang paghahatid ng supplies at stock dahil sa pabago bago na protokol ng lockdown at may mga araw naman na sobra ang supplies dahil kaunti ang mga mamimili. Sa mga ganitong pagkakataon magiging malaking tulong ang pag gamit ng on-demand delivery app, dahil mas kaunti ang limitasyon nang mga ito para mapakag hatid sa mga lugar dahil ito ang kanilang serbisyo. Ang mga on-demand delivery apps na ito ay di hamak na mas mabilis kumpara sa mga normal na delivery services.

Napagaalaman nang Transportify ang logistics trend na malimit gamitin ng mga negosyo sa panahon ng pandemya ang sedans, L300, vans at closed van para sa paghatid ng kanilang supplies. Narito ang mga sasakyan na maaaring i-book sa on-demand delivery app ng Transportify para sa nationwide deliveries.

Vehicle TypeDimensions/
Weight Limits
Base Price
(Metro Manila)
Base Price
(Outside Metro Manila)
Base Price
(Visayas/Mindanao)
wing-van-iconWing Van 32 to 40 x 7.8 x 7.8 ft
12000kg to 28000kg
7000 PHP6500 PHP6500 PHP
6w-fwd-truck-icon6w Fwd Truck18 x 6 x 7 ft
7000kg
4850 PHP4850 PHP4850 PHP
closed-van-iconClosed Van10 to 14 x 6 x 6 ft
2000kg to 4000kg
1600 PHP1450 PHP1450 PHP
open-truck-iconOpen Truck10 to 21 x 6 ft x open
2000kg and 7000kg
2300 PHP1950 PHP1950 PHP
l300-van-iconL300/Van8 x 4.5 x 4.5 ft
1000kg
415 PHP374 PHP335 PHP
small-pickup-iconSmall Pickup5 x 5 ft x open
1000kg
418 PHP338 PHP325 PHP
light-van-iconLight Van5.5 x 3.8 x 3.8 ft
600kg
375 PHP292 PHP275 PHP
mpv-iconMPV/SUV5 x 3.2 x 2.8 ft
200kg
240 PHP210 PHP160 PHP
sedan-iconSedan3.5 x 2 x 2.5 ft
200kg
220 PHP190 PHP140 PHP

SEE ALSO

Tourism

Hindi na bago sa ating ang balita na isa sa pinaka naapektuhan ng krisis ng pandemya ang tourism industry. Naging limitado bigla ang paglabas ng mga tao kaya naman biglaan rin ang naging pagbabago para sa mga negosyo na kabilang sa sektor na ito. Sa ngayon, may mga hotel na ulit na nag bukas kasabay nang pagluwag ng lockdown sa bansa pero pinapayagan lamang sila na mag-operate hanggang 30% capacity. May mga hotel na nag bukas sa Luzon pati na rin sa Visayas at Mindanao subalit ang nagiging hamon sakanila ay ang paghahatid at pagtanggap ng mga gamit at supplies na kanilang kailangan para sa operasyon, lalo na kung ang hotel ay nasa probinsya. Ngayon pandemya, naapektuhan ang ating mga interisland deliveries na nag resulta sa pagkaaantala ng mga byahe ng roro sa bansa. Dahil dito, may mga supplies na hindi nakararating sa oras na kanilangan sila.

Retail

Kabilang sa sektor ng retail ang mga mall. Sa mga unang mga buwan ng pandemya, kagaya ng mga hotel, napilitan rin ang mga ito tigilan ang operasyon nila para mapigilan ang pagkalat ng virus. Bagaman may mga tindahan sa loob ng mall na nagpatuloy mag benta online, karamihan sa ibang tindahan ay napilitan narin muna magsara. Ngayon ay makikita natin ang mga mall na bukas pero sa limitadong kapasidad lamang hanggang 30%. Ang mga iba sa tindahan sa loob ng mga mall ay mas pinili na mag benta online kaysa magpatuloy sa loob ng mga mall kung saan hindi hamak na mas kaunti ang mamimili. Sa paparating na pasko, inaasahan na kahit papano ay tataas ang demand para sa mga retails stores dahil tradisyon na para sa mga Filipino ang mamili at magbigayan ng regalo tuwing holiday season.

Mga Bagong Logistics Trend Dahil Sa Pandemya

Dumako naman tayo sa mga negosyo sa panahon ng pandemya na nakayanan tumayo at lumaban simula na sumiklab ang Covid-19 sa bansa. Mapapansin natin na ang mga negosyo na ito ay kalimitan makikita online. Karamihan sa mga negosyo sa panahon ng pandemya ay sumubok gawin online ang kanilang mga transaksyon para maging mas madali sa tao ang pagkuha ng mga produkto. Narito ang ilan sa mga ito:

E-commerce

Naging mas maugong ang pangalan na Shopee at Lazada matapos ang pagkakaroon ng pandemya. Ito marahil ang naging takbuhan ng maliit na negosyo o small sized medium enterprise (SME) na naapektuhan para makapagpatuloy sa pagbebenta kahit online. Dahil sa pagsikat ng mga e-commerce sites, kinailangan sumabay ng mga negosyo sa makabagong logistics trend. Naging uso ang door to door delivery nang mga produkto na mabibili online, mula sa maliliit na kasangkapan sa bahay, appliances at pati na rin malalaking mga muwebles, lahat ng ito ay maaring ipa-deliver ng mamimili ng door to door mula sa mga e-commerce sites. Dahil sa logistics trend na ito, naging mas mabilis ang paghahatid ng mga produkto sa mga bahay bahay ng mamimili at mas naeenganyo ang mga ito na bumili ng pauli ulit.

Isa ito sa dahilan kung bakit marami na ngayong ang mga negosyo sa panahon ng pandemya na sumubok magbenta ng produkto at serbisyo online. Lalo na ngayon na palapit nang palapit ang kapaskuhan, pinaghahandaan nang mga online stores na ito ang mga holidays sales na gaganapin ngayong 10.10, 11.11 at 12.12.

Business Process Outsourcing (BPO)

Isa ang Business Process Outsourcing (BPO) sa mga naging matatag mula magsimula ang pandemya. Naging mataas ang demand para sa serbisyo na ito dahil hindi lamang local accounts ang hawak nila, pati nadin foreign. Kung dati maraming mangagawa ang pumapasok sa opisina, ngayon kinailangan ipatupad ang work from home arrangement para malimitahan ang paglabas ng tao. Isa sa mga naging hamon sa sektor ng BPO ang pagaayos at organisadong pag papadala ng work from home equipment para sa mga empleyado. Libo libong sa mga ito ang kinailangan bigyan ng mga equipment mula nung nakaraang taon kaya naman naging bagong logistics trend ito para sa maraming kumpanya hindi lamang sa mga BPO. Ngayon kasama na sa proseso ng mga BPOs ang mag asikaso ng work from home equipment delivery sa mga bahay ng kanilang empleyado. Ilan sa mga kadalasan na ipipapadala nila ay computers, office chairs, at office tables para masigurado na makakapagtrabaho nang maayos ang mga empleyado kahit wala sa opisina.

Transportify Ang Iyong Ka-Partner Sa Business Deliveries

Nalathala sa artikulo na ito ang ilan sa mga naging pagsubok ng mga negosyo sa panahon ng pandemya na may kaugnayan sa deliveries. Napagaalaman nang Transportify ang mga bagong  logistics trend na kailangan tugunan ng sektor ng logistics para matulungan ang opersayon ng mga negosyo. Tiyak na magiging malaking tulong para sa mga ito ang pagkakaroon ng on-demand logistics provider para makasiguro na darating ang mga produkto or equipment sa panahon na kailangan nila. Kung nais pang may malaman tungkol sa on-demand delivery ng Transportify, maaari kang mag-send ng email sa
business@transportify.com.ph.

orDownload Transportify Icons

Frequently Asked Questions:

Ano-anung mga negosyo sa panahon ng pandemya ang maaring gumamit ng on-demand delivery services ng Transportify?

🚚 Pwede mo gamiting ang Transportify kung kailangan mo ng delivery services sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Kilala ang Transportify na nagbibigay serbisyo sa sektor ng retail, construction, BPO, FMCG, SMEs at marami pa. Kung ang negosyo mo ay furniture-making, maaari kang tulungan ng Transportify upang ma-deliver ang mga produkto mo gamit ang mga malalaking truck kagaya ng Closed Van, 6w Fwd Truck at 10w Wing Van. May interisland trucking service rin ang Transportify na maaring kang matulungan kung kailangan mo magpadala ng produkto mula Luzon at Cebu papunta sa mga isla ng Visayas at Mindanao.

Ano ang papel logistics companies sa mga bagong logistics trend na nabuo dahil sa pandemya?

🚚 Malaki ang matutulong ng mga logistics companies upang matulungan ang mga negosyo mag-adjust sa mga bagong trend. Para sa mga on-demand delivery apps, magiging malaking tulong ang kanilang kahandaan sa mga booking sa kahit anong oras man sila kailangan ng mga negosyo na ito. Para sa logistics company kagaya ng Transportify, mas magiging madali ang delivery ng mga negosyo dahil internet at smart phone lamang ang kailangan para makagawa ng booking.

scroll

I'm a customer

I'm a driver

Learn More